Dear Mrs. Young

Dear Mommy,

Dahil birthday mo… gusto ko magpasalamat.
Thank you.
Alam mo ba mama na lahat ng special moments natin ay nasa puso ko lang. Yung mga oras na umiiyak at nasasaktan tayo  – minsan dahil gawa ko, minsan dahil pinapaiyak mo ko at minsan dahil gawa din naman ng ibang mga nilalang. Syempre hindi naman mawawala yung bawat oras na masaya tayo at nagtatawanan – minsan pinagtatawanan kita pero kadalasan pinagtatawanan mo ko dahil sa mga kalokohan ko.
Walang tatalo sayo Mrs. Young. Nag iisa ka lang. Ikaw lang ang nakakapagbigay saakin ng kaba, inis at lungkot na may kasamang takot sa simpleng text mo na ” ASAN KA? GABI NA.” Hanggang ngayon mama hindi ko pa din magets kung bakit nawala lang ako ng half day sa bahay eh parang isang taon na akong lumabas kasama ang mga kaibigan ko. Sobrang selosa. Saksakan. At ilang beses ko na din napatunayan ang motherly instincts mo – tanda mo pa ba nung pumunta ko ng airport para ihatid si Geli? Tapos bigla kang nag long distance para itanong “ASAN KA? Nasa airport ka ba? Uuwi ka nanaman ba ng hindi nagsasabi?!” Amazing. Hindi ko alam kung pinalagyan mo ko ng kung ano at nalalaman mo ang bawat kilos ko… pero ngayon na andito na si Jessa  – hindi ko talaga alam ang pakay niya pero hindi ako nagtitiwala (hehe).
 
Gusto ko din po pala ipaalam sayo sa pagkakataon na ito na madami po akong namana sayo aside sa kagandahan mo, at dahil sa mga bagay na yun maraming salamat. Salamat sa pagiging matatag, sa pagiging malambing at sa paglalambing na kakaiba. Thank you sa pag irap mo. Thank you dahil tinuruan mo ko na maging masunurin at makuhang sa isang tingin. Nothing beats your maldita moves.Salamat mommy kasi across the miles and transcending boundaries and time zones ang pagmamahal mo para saamin. 
 
Sobrang salamat mommy kasi alam ko na madami kang mga sacrifices na ginawa para sa pamilya natin. Pasensya na sa mga panahon na naisipan ko maging artista alam ko naman na hindi yun ang gusto mo para saakin dahil gusto mo talaga ko maging ________________tama?  Basta mommy salamat, salamat sa lahat kung hindi dahil sayo hindi ko malalaman na matalino pala ko… minsan talaga eh tinatamad lang ako gamitin. :) 
 
Basta mommy kahit na nagpost ka na hindi ako un paborito mo… alam ko naman ang totoo ^_^ Pinost ko ito online para mabasa ng lahat na sobrang saya ko na maging anak mo ( I hope the feeling is mutual. hehe) Sobrang proud ako na ikaw ang mommy ko. Sobrang thankful ako dahil andyan ka lagi para saakin kahit na minsan nawawala ako :)
 
Love na love kita. Basta Mommy, pag kaya ko ibibigay ko – wag ka muna hihiling ng kakaiba. ok?
 
HAPPY BIRTHDAY MOMMY! ^_^
 
I love you.
 
 
P.S. may kasunod pa ito. :)
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s