THIRTY TWO and high blood (plus other signs of ageing).

This is my thinking out loud moment :)

Ageing. Juskolord! Hindi ko ineexpect na sa edad ko na 32 meron na agad mga diagnosis na borderline hypertension! Nakakahigh-blood ang resulta ng check-up ko recently. Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung tama ba un pagkakatingin ng doctor saakin. Hanggang ngayon iniisip ko saan ako nagkamali? habang sumasakit ang panga ko sa pagnguya ng mga sahog ng salad na kinakain ko! Yes. Gulay. Change lifestyle!  At hanggang ngayon iniisip ko pa din ganon ba talaga ko kalakas kumain?

Well… I am Thirty Two. Wala naman daw sa itsura. Thank you Lord sa genes na binigay mo saakin. I am so grateful. Hindi ko alam kung bakit sakto na naglalabasan ang lahat ng signs of ageing… kasabay ng pagkakawala ng age ko sa kalendaryo! Nung isang araw tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at boom! nakakita ko ng linya sa noo ko. Isa. Malalim. Sabi ng mister ko kakakunot daw ng noo ko. Sa pagsusungit ko at pag irap. Stress mga bes. Napakamasayahin ko kaya. At eto pa – pa-share share pa ko ng mga cost-effective beauty tips tapos biglang may ganito. Wala na nga akong pilik mata meron pa kong wrinkles. Saan nanaman ako nagkamali?

Taon taon nagawa ako ng blog tungkol sa mga bagay bagay sa buhay ko – mga realizations, drama, saya,  in short mga ganap na parang artista. Hindi ako nakagawa last year (?) hindi ko na maalala (signs of ageing) dahil busy ako sa pagiging asawa at ina. Well madami naman kasing nababago pag mommy ka na – ung priorities mo. Yung mga bagay na nakakaubos ng oras mo, saka yung mga bagay na laman ng utak mo lahat yan nagiging family-oriented kahit nga ung mga simpleng bagay gaya ng pagbili mo ng mga kikay things maiiba yan eh – GATAS or kilay goals? Syempre… kilay goals si mister na bahala sa gatas?! char lang.

If there’s one lesson that I’ve learned before I reached the age of 32 – ingatan ang kalusugan. Health is wealth. Sa totoo lang nung lumabas ang results ng check-up sobrang nag alala ko. Hindi ito maari. Masyado pang baby si Ellie para maging sakitin ang mommy nya. Goal ko pa naman making COOL mom tapos highblood? cannot be.

Dapat maintain lang – ang ganda at health mga mars, wag natin iignore ang sarili natin dahil we’re running for BEST ASAWA at INA award. Manatiling maganda sa kabila ng lahat. Sabi nga nila madaming nagbabago saatin when we became mothers like humina na ang immune system natin (kinda) at sa mga di malaman na dahilan nagkakaroon ng diabetes or hypertension etc.

Promise magsusulat ako ng mas maayos kaysa dito. Sobrang busy lang.

Sorry.

signature2

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s